×
Home > Blog > Overseas voting

FORUM PARA SA MGA KABABAIHAN AT OVERSEAS VOTING GINANAP

Commission on Election (COMELEC) Chair George Erwin M. Garcia, Keynote Speaker ng Beyond Suffrage: A Forum on Women and Overseas Voting

Center- Commission on Election (COMELEC) Chair George Erwin M. Garcia, Left- Ms. Donna May Lina, President, UBE MEDIA, Executive Producer, PANAHONTV and member, National Communications Committee, Girl Scouts of the Philippines (GSP), Right-Ms. Rosalina S. Flores, Program Division, Girl Scouts of the Philippines

 

Photo Caption (L-R) : Ms. Donna May Lina, President, UBE MEDIA, Executive Producer, PANAHON.TV, Atty. Sonia Bea Wee-Lozada, Commission on Election (COMELEC) Director for Overseas Voting, Ms. Arleen Seville Monteza, International Affairs Division, Girls Scout of the Philippines (GSP), Ms. Ma. Rosalina Semira Flores, Program Division, Girl Scouts of the Philippines (GSP).

 

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Overseas Act (27 May 2013) at ang 86 taon ng pagbibigay ng karapatan para sa mga kababaihan na bumoto (30 April 1937),  binuo ng  Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) sa pamumuno ni Undersecretary Jesus ‘Gary’ S. Domingo  ang forum, “Beyond Suffrage: A Forum on Women and Overseas Voting”  noong 23 May 2023 sa Diamond Hotel.

 

Si  Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin M. Garcia ang nagbigay ng keynote remarks.  Ayon kay Chairman Garcia, planong isulong ang pagpapatupad ng internet voting para sa overseas voting. Ito ay para mas mahikayat ang maraming kababayan na nasa iba’t ibang sulok ng mundo na makaboto gamit ang mas modernong paraan.

 

Inilahad ni Atty. Zoilo A. Velasco, Vice-Chairperson ng DFA Overseas Voting Secretariat, ang datos ukol sa implementasyon ng overseas voting.

 

Inilahad ni Atty. Sonia Bea Wee-Lozada, Director ng COMELEC for Overseas Voting, ang mga hamon at plano ukol sa overseas voting. Ayon sa kanya, bawat bansa ay magkakaiba ang kinakaharap na pagsubok. Ngunit naniniwala sila na handa na ang mga botante sa paggamit ng mas modernong pagboto tulad ng internet at mobile voting dahil malaki na ang tiwala ng mga mamamayan sa teknolohiya.

 

Si Ms. Daniela Gil-Sevilla, Charge d’Affaires ng Embahada ng Mexico sa Pilipinas, ay nagbigay naman ng perspektibo ng overseas voting mula sa bansang Mexico.

 

Via Google Meet na ipinihayag ni Deputy Consul General Germinia Aguilar-Usudan ng Hong Kong Philippine Consulate General (PCG) ang kahalagahan ng mga kababaihan sa overseas voting.  Ayon sa kanya, malaki ang power of remittance sa pag-impluwensya  ng mga Overseas Filipinos sa pamilya nila na narito sa Pilipinas sa pagpili ng mga iboboto.

 

Sa naturang forum, nagbigay din si Professor Jean S. Encinas-Franco ng Department of Political Science ng College of Social Sciences and Philosophy ng University of the Philippines, Diliman,  ng mga halimbawa ng hadlang sa mga Pilipinong kababaihan na lumahok sa politika at makaboto. Ipinaliwanag din niya ang implikasyon nito sa Overseas Voting ayon sa mga pag-aaral.

 

Nagbigay rin ng kanilang karanasan sa partisipasyon bilang mga aktibong politiko sa ibang bansa sina Ms. Jasmine Bacurnay-Lee, miyembro ng Presidential Committee on National Cohesion (former National Assembly Member, Republic of Korea) at si Ms. Rechie Valdez, miyembro ng Parliament Mississauga-Streetsville, Ontario, Canada.

 

Nakibahagi rin ang mga miyembro ng iba’t ibang organisasyong pangkababaihan kasama rito ang Girl Scouts of the Philippines.

 

Tuluy-tuloy ang pagpaparehistro para sa Overseas Voting hanggang 30 September 2024. Para magparehistro kailangan lamang bumisita sa Philippine Embassy, Consulate General Mission o MECO.